NAPATAYO ako ng bumukas ang pinto. Bakas sa mukha ko ang takot at hindi pa rin nawawala ang kaba sa aking dibdib. Pinasadahan nito ang aking katawan. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagliyab ng mga mata nito kaya mabilis akong umiwas ng tingin. Naiilang kong hinila pababa ang maiksing dress na suot.
Napakurap-kurap ako. Tumikhim siya. Naiilang ako sa klase ng kanyang mga tingin. Iyong kaba na nararamdaman ko ngayon ay tila dumoble na.
"You can now roam around the house."
Napabaling ako sa kanya ng wala sa oras. Tinitigan ko siya na para bang binabasa ko ang isip nito. Natatakot ako na baka pain niya lang iyon tapos kung anong gagawin niya sa akin bigla. Nakarinig pa man din ako ng mga lalaki na bagong dating.
Tumaas ang kilay nito.
"Why are you looking at me like that?" anito at sumandal na sa hamba ng pintuan. Maya-maya pa ay bumaba na ang tingin nito sa aking katawan.
"Huwag mo nga kong tignan ng ganyan!" inis kong sabi.
Halata kasi ang malisya sa mga tingin nito. Tumawa lang ito at napailing.
"As if I haven't f**k you before, Aloe. Noon, gustong-gusto mong sinasamba kita. Ngayon kahit tingin ayaw mo na?" Umigting ang panga nito at mabilis na naman na nagdilim ang paningin.
Awtomatikong namula ang aking mga pisngi. Hindi na ako makatingin ng diretso sa kanya. Hindi ako sanay na nakikipag-usap ng ganito. Para akong nakarinig ng hindi katanggap-tanggap ng aking tainga.
“You will no longer see that man. Akin ka lang."
May kung ano akong naramdaman sa sinabi nitong iyon. Hindi ako si Aloe pero bakit may umuusbong na kilig ako sa binitawan nitong salita? Kinikilig ba ako para kay Aloe? Obvious na patay na patay sa kanya ang lalaking ito.
"You are amazing. Talagang ang galing mo ng umarte, huh? Kung hindi lang kita kilala maniniwala na sana ako. Ano, ayaw mo lumabas? Dito ka lang?" He raised his brow while looking at me.
“Anong plano mo? May narinig akong mga lalaki. Uuwi na ko sa amin. Nagaalala na ang Mama ko!" sigaw ko sa kanya. Hindi ko alam kung ilang beses ko na bang nasabi ang kagustuhan kong umuwi.
Nagulat ako ng gumalaw ang panga nito at dumilim muli ang anyo. Napaurong ako ng naglakad na ito papunta sa direksyon ko.
"A-anong--"
Nanlaki ang aking mga mata ng walang sabi-sabing kinabig nito ang aking batok para halikan! Nanigas ako sa kinatatayuan. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko.
Ito ang una kong halik!
Ang gumawa pa ay ang lalaki ng kambal kong kapatid!
Nanlalambot ang aking mga tuhod. Para akong sinilaban bigla sa init ng mas dinikit nito ang sarili sa akin. Napakapit ako sa braso niya ng halos ikiskis nito ang kanya sa akin. Sinubukan kong pumalag pero dahil lalaki siya at likas dito ang pagiging malakas. Walang silbi din ang aking ginawa.
"Hmmnn..." ungol nito. Mas nagpumilit pa na halikan ako ng mariin.
Ganito pala ang pakiramdam kapag hinahalikan ka. Ang galing niya. Alam kong mali pero bakit pinagkakanulo na ko ng sarili kong katawan?
"Respond to me..." he commanded. Lumayo ng kaunti ngunit hindi ako pinakakawalan.
Amoy na amoy ko ang mint sa hininga nito. Lalo akong naliyo. Bumaba ang tingin ko sa basang labi nito. Namungay ang mga mata ko. Para na kong nahipnotismo.
Umawang ang aking bibig. Inatake niya akong muli ng halik. Napapikit ako. Hindi ako marunong pero ng sundan ko ang bawat galaw ng labi nito ay unti-unti akong natuto.
Nadadala sa bawat init at haplos ng palad nitong lumalandas na sa bawat parte ng aking katawan. Napaungol ako. Narinig ko ang pagngisi niya. Mas ginagahan ito na halikan ako at idikit ang katawan pa sa akin.
Para akong lalagnatin sa sobrang init! Ang galing-galing niyang humalik!
Naipasok nito ang dila sa loob ng aking bibig. Para itong ginagalugad ang lahat ng sulok ng aking bibig. Dumiin ang kapit ko sa matipuno nitong braso. Nawala na ko sa sarili.
Nagpatuloy ang mainit na palitan ng halik hanggang sa bumaba na iyon patungo sa aking leeg. Ilang libong boltahe ang aking naramdaman at hirap na hirap na kong tumigil.
Umungol ito habang binigyan ako ng maliliit na halik sa leeg. Ang palad nito ay nasa likod ko. Hinahaplos ako doon at inaalalayan.
"I love you, Aloe..." he said hoarsely.
Napadilat ako. Mabilis ko siyang tinulak. Napahawak ako sa ulo ko at hindi makatingin sa mga mata nito ng diretso. Nagulat ito sa ginawa ko. Mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang pagngisi nito habang binabasa ang ibabang labi.
Ramdam ko muli ang malisyo nitong tingin sa akin. Gusto kong iuntog ang aking sarili. Sa tanang buhay ko, hindi ako nagpaligaw. Hindi ako nagka-nobyo at ingat na ingat din ako sa sarili. Pero anong nangyari?
Higit pa sa halik ang naranasan ko ngayon at sa lalaking hindi ko naman nobyo at mas lalong hindi ko pa kilala. Ang galing niya mang-akit. Nadala ako. Aminado ako na naakit niya ako. Dagdag pa na na-curious ako kung ano bang pakiramdam niyon. Hindi ko akalain na aabot sa ganito.
Para akong naging sabik sa halik ng isang lalaki. Kapag nalaman ito ni Mama alam ko ng pagagalitan niya ako ng matindi. Pinalaki niya ako ng disente at maayos pero nakuha kong gawin ang bagay na ito.
Kaya pala sinasabi niya noon na kapag nagnobyo ay doon nagsisimula ang paghawak ng kamay. Hanggang sa halik at mauuwi na sa mas malalim tapos mabubuntis. Kaya pala.
Kaya pala ganoon na lang ang pag-remind niya kasi nakakapang-init. Nakakadala sa eksena. Lalo na kung hahalik sayo ay ang tulad niya.
I bit my lower lip. Pakiramdam ko ay naiwan pa ata ang bakas ng halik niya sa akin labi at leeg. Kinilabutan ako bigla ng maalala ang mainit na halikan namin kanina. Kung hindi lang sa pangalan ng kambal ko baka umabot na iyon sa kung saan.
Nakakahiya ka, Vera!
“Why is it so hard for you to admit that you enjoy my kiss?" he smirked.
Paano ko magagawang mapaniwala pa ito na hindi ako ang kambal kong si Aloe kung nagawa kong sagutin ang mga halik niya kanina. Alam ko na iniisip niya ngayon ay may pag-asa pa siya kay Aloe. Pag-asa na tanggapin siya nito dahil sinagot ko ang mga halik niya.
"Hindi pu-pwde. Mali 'to. Mali! Hindi kita kilala. Hindi ako si Aloe. Kapatid niya ako. Si Vera. Iuwi mo na ko sa amin. Tutulungan kitang hanapin siya. P-please..." pakiusap ko.
Lumambot ang aking mga mata habang tinitignan siya at nagmamakaawa. Pilit ko ng inaalis sa isip ko ang mainit na eksena kanina. Pumikit lang ito ng mariin at napahilot sa sentido na tila nauubusan na naman ng pasensya.
"Kung ano-anong imbento ng ginagawa mo pero hindi mo ko mau-uto. Now that I still have some effect on you. Ta-trabaho-hin ko 'yan. You have no choice but to love me, Aloe," sabi nito at lumabas na sa kwarto.
Naiwan akong mag-isa kasama ang mga salita nito na parang sirang plaka na umilit-ulit sa isip ko.
Nang makabawi ay lumabas ako sa kwarto. Ayoko mag-isa dito at baka bumalik siya tapos kung saan na naman kami mapunta. Isa pa, susubukan kong tumakas. Hindi ko alam ang rason nito kung bakit biglang lumuwag. Pinapayagan niya na kong lumabas-labas? Bakit? Kampante na siyang hindi ako tatakas?
Bumungad sa akin iyong malawak na sala. Halata mo agad na lalaki ang may-ari dahil puro itim at gray ang kulay ng buong paligid. Mula sa dingding, ceiling, displays at furnitures ay puro itim. Ganunpaman, tadtad naman ng ilaw ang bahay niya. May malalaki at maliit. Mga displays ay ilaw din pala. Malaki ang kurtina sa magkabilang side kaya hindi nakakapasok ang haring araw. Ang ceiling ng bahay naman niya ay mataas. May malaking ulo ng toro na naka-display sa dingding. Sa itaas ng flat screen TV nito.
Ipinilig ko ang ulo. Bakit nakuha kong pasadahan pa ang bahay niya. Nagpalinga-linga ako. Hindi ko alam kung nasaan siya. Wala din naman ang mga bisita na narinig ko kanina. Halos takbuhin ko ang wooden door para lang makatakas. Paglabas ko ay nagulat ako sa dalawang bodyguard na nasa magkabilang gilid. Nakatayo.
Ang mas naka-agaw ng atensyon ko ay iyong dalawang malalaking aso na labas na ang pangil at galit na tumatahol sa akin! Alam ko iyong ganon! Isang itim na syberian at german shepherd. Takot ako sa aso. Ano pa iyang malaki!
Nanginginig ako sa takot.
"Maam p--"
Mabilis akong bumalik sa loob. Hindi ko na pinatapos ang sinabi ng guard at nanginginig ako habang habol ang hininga. Wala sa sarili kong hinawakan ang aking dibdib. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Nanghihina ako at napasandal sa hamba ng pintuan.
Ayoko sa aso. Takot ako sa aso. Kayang-kaya ako 'non kainin ng buhay!
"Good decision. Welcome back, honey."
Napatingala ako. Naabutan ko siya na malawak ang ngisi habang nakadungaw sa akin. Hawak nito ang wine glass at nakangiti ang mga mata na tila nangaasar pa.
Ikaw pa din si Aloe. Takot sa aso." Umiling-iling ito at natatawang sumimsim ng alak nito.