NAALALA ko iyong kawawang mukha ni Caleb. Ganunpaman, sumunod pa din ako sa gusto ni Mama para malaman ko na din kung seryoso ba talaga siya o hanggang saan lang ang itatagal niya. Wala pa ngang ilang minuto ng dumating kami sa store ay naroon na si Caleb. Sumunod sa amin. May mga tao tuloy nanakiki-usosyo dahil nga sa gandang lalaki niya. Nagkatinginan kaming dalawa habang si Mama ay iritado na agad kay Caleb. Pinandilatan ako ni Mama. Hindi niya na kailangan magsalita. Alam ko na banta na iyon na upang huwag kong kakausapin o pansinin si Caleb. Tumalikod ako at pumasok sa loob ng maitaas ang roll-up. Hinayaan ko silang dalawa at nakikinig na lang ako. "Hindi ka talaga titigil? Saglit at magtatawag nga ako ng barangay." Awtomatikong napadako ang tingin ko sa kanila. Kinabahan ako. Wa