NAKAUPO si Trina sa loob ng kotse ni Clarence habang pinupunasan ang kanyang masaganang luha na tila walang katapusan, dahil kahit anong pigil niya sa kanyang sarili para huwag umiyak ay naiiyak pa rin siya. Masakit sa kanyang dibdib na malaman ang taong gumahasa sa kanya ay walang iba kundi ang kanyang pinagkakatiwalaang asawa. Hindi niya akalain na nalinlang siya nito, kundi pa niya nabasa ang email ay baka hindi niya pa rin malalaman ang katotohanan. “Damn you, Clarence! Buksan mo 'tong pinto! Ibalik mo sa 'kin ang asawa ko!” sigaw ni Daryll mula sa labas habang kinakalampag ang kotse at pilit na binubuksan ang pinto nito. “Bilisan mo, paandarin mo na. Ayoko nang magtagal pa sa lugar na 'to.” Marahan namang tumango sa kanya si Clarence. Agad nitong pinaandar ang sasakyan. “Trina! N