HINDI maintindihan ni Trina kung bakit siya kinakabahan habang nakaupo sa loob ng eroplano, dinig na dinig niya ang lakas ng pagtibok ng kanyang puso. Pakiramdam niya ay may hindi magandang mangyayari. Matapos ang dalawang araw na pananatili nila ni Clea sa hospital ay napagpasyahan na nilang bumalik ng pilipinas. Nakabenda pa ang mga paa at braso ng kanyang kaibigan pero nakakalakad-lakad na ito kahit papaano. "Kanina ka pa tulala. Ayos ka lang ba, Trina?" tanong sa kanya ni Clea na nakaupo sa kanyang tabi. Isang tango lang isinagot niya sa kaibigan. Ipinikit niya ang mga mata at sumandal sa kanyang kinauupuan. Ilang oras na lang ay makakapiling na niyang muli ang kanyang anak at asawa, pero hindi niya talaga maintindihan ang kanyang sarili kung bakit siya lubos na kinakabahan. Iniisi
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books