FRANCHESKA POV “JAVIER, anong status ng anak ko?” Napalingon ako nang marinig ang boses ni grandpa. Nakita ko si uncle Javier and dad na naglalakad, hindi maganda ang mukha ni dad. Napatingin sa amin si uncle Javier. “You guys are here.” Napatingin siya sa amin. Hindi ako lumapit sa kanila at mas pinili kong dito sa harap ng salamin. “Nasabi ko na tungkol dito kay Henry. But, Iʼm sorry, Harold, Francheska, uncle Miguel, Ryker, Ryder, and kuya Richmond, hindi na tatagal ng ilang araw si Frances. Buong katawan niya ay may cancer na. Hindi na kinakaya ng katawan niya kahit may gamot siyang iniinom. Iʼm sorry.” Halos mapaupo ako nang marinig ko ang sinabi ni uncle Javier. “Hindi na tatagal ng ilang araw si mommy? N—no way!” malakas kong sabi habang hindi ako makapaniwala. “Magiging malaka

