FRANCHESKA POV
MABILIS akong bumaba at nakita ko ang bisita namin, hindi lang iyon dahil nasa coffee table na rin ang mga folders na kailangan kong tignan.
“Sorry po kung nahuli ako,” sabi ko sa kanila at bineso si mom, naupo ako sa kanyang tabi.
Hindi ko mapigilang mapangiti habang nakatingin sa mga folder na nasa coffee table ngayon.
“Francheska, choose what you want, okay? Ikaw ang may debut kaya karapatan mong pumili ng gusto mo, maging ang mga kasali sa 18th roses, gifts at sa iba pa. Choose what you want. Anything. Hindi kami tututol ng dad mo,” sabi ni mom sa akin.
Nawala ang tingin ko sa coffee table namin at napunta iyon kay mom. “Mom, really? Can I choose what I want?” tanong ko sa kanya habang nagniningning ang aking mga mata.
“Of course it is, Cheska. Ikaw ang may kaarawan kaya kailangan ay ikaw ang mamili ng lahat, okay? Go!” Nakangiting sabi ni mom sa akin at kinuha ang isang folder sa coffee table.
Si mom ang pinaka—mabait, pinaka—maganda at pangalawa sa bunsong ng anak ng gramps kong si Don Miguel. Parte ako nang malaking pamilya ng Lazaro.
“Mom, donʼt be spoiled here! Baka lalong lumaki ang ulo ng isang iyan.”
Napatingin ako sa gilid ko and I saw him, ang kuya ko, si kuya Richard. I rolled my eyes to him. “Nandʼyan na naman ang kontrabida na si kuya Richard.” Nakangiwing sabi ko sa kanya.
Akala ko pumasok ang isang ito, pero nakauwi na rin pala agad.
Naupo siya sa armrest ng sofa kung saan ako nakaupo ngayon. “Kontrabida? Sa gwapo kong ito? No!” Hinawakan niya ang aking buhok kaya kinuha ko iyon.
“Donʼt touch my hair lalo naʼt ang dumi ng kamay mo,” sabi ko sa kanya.
Nakita kong tinignan niya iyon. “Of course, not! Malinis itong kamay ko. So, sino ang last dance mo? Ako ba?” tanong niya sa akin at kumuha ng pagkain sa coffee table.
Nilingon ko siya at tinaasan siya ng kulay ko. “What? Last dance ko, ikaw? Are you insane? And, get off your hands on my hair, okay? Huwag ka rin kuha nang kuha nang pagkain, hindi ka bisita para sa kanila iyan,” sabi ko at tinapik ang kanyang kamay. “Sa tanong mo pala kanina kung sino ang last dance ko? Hindi ikaw dahil ang last dance ko ay si Ninong Xeron!” malakas kong sabi at tinignan ko si mom. “Right, mom? Si Ninong Xeron po ang last dance ko.” Hindi ko tinanggal ang malaking ngiti ko habang nakatingin sa kanya.
“Of course, Cheska. Paniguradong papayag naman si Xeron bilang last dance and escort mo,” sabi niya sa akin.
Hindi naaalis ang ngiti ni mom sa kanyang labi. Para talaga siyang anghel kaya nakapagtataka kung paano siya nakuha ni dad.
Wala naman akong sinabi na panget si dad pero mas matanda si dad sa kanya ng six years.
Siguro totoo ang love is blind. Mabuti na lang ay mas malakas ang dugo ng mga Lazaro kaysa sa Quezon.
“Wooh! Mom, paniguradong kikiligin ang isang ito kung papayag talaga si Xeron na maging escort niya. Makakarinig na naman ako ng tili mula sa kanyang room.”
Naningkit ang aking mga mata sa kanyang sinabi. “Hey, kuya Harold! Anong makaririnig ng tili ko, ha? Soundproof ang room natin, ano! Kaya duh! Kaya how mo maririnig? Sobrang liar ka, ha?” asik ko sa kanya.
“Sa sobrang lakas nuʼn kaya tumatagos ang tili mo. Nawawala ang pagiging soundproof ng room mo.”
“Anong sabi mo—”
“Harold and Cheska.”
Hindi ko na ituloy ang aking sasabihin nang marinig ang boses ni mom, seryoso na iyon.
“Sorry po, mom.” sabay naming sabi habang nakatingin kami sa kanya.
“Pasensya na sa mga anak ko, ha? Ganyan lang sila magbangayan. Nasa dugo na talaga ng Lazaro ang palaging nag—aaway kapag siblings.” paliwanag ni mom sa debut coordinator ko.
Nag—usap na muli kami about sa debut ko na magaganap sa March 3. Iyon ang birthday ko, dapat nga ay March 2 raw ako pero lumabas ako ng 12:01 ng madaling araw.
Cute!
“We will assures na matatapos ang two set of gowns ni Francheska, Mrs. Quezon. Hindi namin kayo bibiguin,” sabi ng designer ko for my gown.
“Iʼll believe in you lalo naʼt kay tita Girly ito. Thanks! You can contact us kapag may need na baguhin, ha?” nakangiting sabi ni mom sa kanila.
Tumayo na rin kami nang makitang tumayo na sila, dala ang mga folders na nakita ko kanina.
“Salamat sa time, Mrs. Quezon, Ms. Quezon and Mr. Quezon. Sa pag—contact namin sa inyo ay maganda na ang sasabihin namin.”
Ningitian ko silang lahat. “Thanks! Like mom said, I canʼt wait for that too!” nakangiting sabi ko sa kanila at kumaway ako sa kanila.
Nang mawala sila sa paningin namin ay tinignan ko si mom at niyakap siya nang mahigpit. “Mom, thanks! What I mean, thanks for this. Sobrang hands on ninyo po sa debut ko.” sabi ko sa kanya at niyakap siya nang mahigpit.
Simula last year nang mag—birthday ako ng 17th years old ay naging busy agad si mom para pag—abalahan iyong 18th birthday ko. Iyong isa sa gowns ko ay siya ang nag—drawing nuʼn. Iyon ang magiging gown for my 18th roses. Kaya sobrang excited na ako lalo naʼt isang buwan na lang 18th birthday ko na.
Hinaplos ni mom ang aking likod. “Wala iyon, Cheska. Gusto kong mag—enjoy ka sa 18th birthday mo. Gusto kong maranasan mo iyong ginawa nina mom and dad sa akin noon kaya pinaparanas ko rin sa iyo,” sabi ni mom sa akin.
Tinignan ko siya at napasinghot. “Thanks, mom! Thanks din kasi ikaw ang mom ko kaya sobrang thank you talaga.” Totoo ang sinabi ko dahil sobrang blesses ako na siya ang mom ko.
“Harold, heto bang kapatid mo ay nakalimutan kumain ng breakfast and lunch? Kung ano—ano ang pinagsasabi.”
Napanguso ako sa kanyang sinabi. “Mom naman!” ungot kong sabi sa kanya.
Tinignan ako ni kuya Harold. “Hindi tungkol sa food... Baka hindi pa nakikita si kuya Xeron... Or, baka naman ay hindi pa siya nakakapag—shopping—Aray!” Sinuntok ko ang braso ni kuya Harold. “See, mom? Nanununtok siya! Hindi ba totoo?” Nakangising tanong niya sa akin habang nakahawak sa kanyang braso, hinihimas—himas niya iyon.
Hindi ako nakapagsalita sa kanyang sinabi. “B—bakit? S—sinabi ko bang hindi totoo, ha? S—sobrang na—busy kaya ako and hindi ko rin nakikita si Ninong Xeron!” malakas kong sabi sa kanya.
Sobrang busy talaga namin kahit second year pa lang kami. Nakaka—haggard pala maging teacher pero wala na akong magagawa kung ʼdi tapusin ito dahil ginusto ko rin naman.
“Ah, wala kang lakas at inspiration kasi hindi mo nakita si kuya Xeron?”
Nakita ko ang nakakaasar na mukha niya. “Whatever!” malakas kong sabi sa kanya at tinignan si mom. “Aakyat na po ako, mom. Hindi ako kakain ng lunch dahil Iʼm on my diet! Alam ninyo na po... Kailangan kong hindi tumaba hanggang sa debut ko, mom. Kaya akyat na po ako sa room ko.”
“Ayaw tumaba? Pinagloloko mo lang sarili mo—”
“Blah! Blah! Wala akong naririnig!” malakas kong sabi at umakyat na ako sa second floor ng house namin.
“Harold, iniinis mo na naman ang kapatid mo. Ikaw talaga.”
“Sorry po, mom. Masarap lang talagang asarin itong si Cheska.”
See? Inaasar talaga niya ako.
Sakit talaga sa ulo itong si kuya Harold.
Palibhasa nakaka—ilang ex—girlfriends na siya pero walang tumatagal dahil sa matabil niyang dila.
Sinarado ko ang pinto ng room ko, ni-lock ko rin iyon at baka sundan ako ni kuya Harold. Nakakainis pa naman mang—asar ang isang iyon.
Kinuha ko ang aking phone sa side table and naupo ako sa bean bag. Sumandal ako roon at ini—stalk si Ninong Xeron ko.
“Ah! Sobrang pogi talaga niya!” Nakangiting sabi ko nang makita ang picture niya.
Hinaplos ko ang picture ni Ninong Xeron, Ninong ko siya dahil family friend siya ng mga Lazaro, buong Ford pala.
Kaya sobrang lucky ko na ako ang inaanak niya.
“Ninong Xeron, magiging akin ka! Trust me, makukuha rin kita!” Nakangising sabi ko habang nakatitig pa rin sa picture niya.
Paniguradong magiging akin talaga siya. Subukan lang ng ibang babae na lumapit kay Ninong Xeron, makatitikim sila ng sampal mula sa isang Lazaro.
Hindi ako nagbibiro.
May motto ang mga Lazaro, “what we want, we can get in instant.” Kaya kahit ano ay gagawin ko para makuha siya kahit idaan pa sa santong paspasan.