FRANCHESKA POV
NAGING sunod—sunod ang paglapit ng mga pinsan ko. Lahat sila ay nagyayabang kung anong gift ang binigay nila sa akin.
Nasa lahi talaga naming mga Lazaro ang mayayabang, ano?
“Our 16th tulips, her dad, Mr. Henry Quezon!”
Napaayos ako ng pagkakatayo nang lumapit na siya sa akin. “Happy 18th birthday, Francheska,” sabi ni dad sa akin at binigay na niya ang blue tulips.
“Thanks po,” sabi ko sa kanya.
“Sorry kung late ako, Francheska. Hindi ko talaga namalayan ang oras.”
“Itʼs okay... Nangyari naman na, right?”
Ano pa ba magagawa ng sorry niya, nangyari naman na talaga.
Hindi na siya umimik pa at sinayaw na lang niya ako. Walang nagsasalita sa aming dalawa hanggang matapos ang aming sayaw. Pinasama niya ako kay kuya Harold na malaki ang ngiti sa kanyang labi.
“What? Bakit ang laki ng ngiti mo, ha?” asik ko sa kanya nang makita ang kanyang mukha.
“Nag—usap kayo ni dad?” tanong niya sa akin nang maibigay ang 17th tulips.
“Nagsorry siya sa akin. But, nothing else change naman na, right? Talagang mas inuna pa niya ang business kaysa sa debut ko. Kaya sinong hindi magagalit?” sabi ko sa kanya.
“Alam mo namang business minded si dad, right?” sabi niya sa akin.
“Alam ko naman iyon, kuya Richard. But, please sana naman ay nag—relax muna siya ngayong araw para sa debut ko. At least, hindi na sana siya na—late today, right?” sabi ko sa kanya. Iyon lang naman ang gusto ko, na sana hinayaan niya muna ang company, hindi naman kami ma—ba—bankrupt ng isang araw, right?
“Alam mo naman si dad. Huwag na natin siya pag—usapan, okay. Sa ngayon, nasa legal age ka na. Happy birthday, my lil sis.”
Napangiti ako sa kanyang sinabi. “Ano pa nga ba ang magagawa ko? Oh siya umalis ka na... Si Ninong Xeron na ang next. Tsupi!” Pagtataboy ko sa kanya.
“Aba, pinagtatabuyan mo ko?”
Tumango ako sa kanya. “Of course!” madiin na sabi ko sa kanya.
Nakita ko ang pag—iling niya sa akin. “Pinagpalit mo ang kuya mo sa lalaking iyon—”
“Umalis ka na!” Tinulak ko na siya. Kung ano—ano pa angg pinagsasabi niya.
Tatawagin na ng emcee ko si Ninong Xeron.
“Our last dance, Mr. Xeron Ford!” malakas na sabi ng emcee ko at nakita ko na nga si Ninong Xeron na naglalakad palapit sa stage ngayon.
Humigpit ang kapit ko sa mga bulaklak na hawak ko ngayon habang nakatingin ako kay Ninong Xeron na naglalakad na.
“Hi, happy 18th birthday, Fran!” Nakangiting sabi niya sa akin, kaya kumabog nang mabilis ang aking dibdib.
Akala mo ay hindi ko siya katabi kanina pa.
“Thanks, Ninong Xeron.” Nakangiting sabi ko at nag—ala dalaga Filipina ako.
Hinawakan niya ang aking kanang kamay at nilagay niya ang kabilang kamay niya sa aking bewang, may dumaloy na kuryente sa aking katawan.
Ganito ang effect ni Ninong Xeron sa akin.
Nakatingin lang ako sa kanya habang sinasayaw niya ako. Ang daming flash mula sa mga kamag—anak ko lalo na si Rosy na bini—video—han niya ako.
Best friend ko talaga siya.
Sobrang supportive talaga.
Hindi pa rin mawala ang tingin ko kay Ninong Xeron na hanggang ngayon ay hawak pa rin ang mga kamay ko. Pero, lahat ng ngiti sa mukha ko ay biglang naglaho nang matapos ang kanta.
Nakita ko ang kanyang kamay na lumayo sa aking mga kamay.
“Hays. Lahat talaga ay may katapusan.” bulong ko sa aking sarili.
Natapos na ang aking 18th tulips pero sobrang happy naman ako.
Sunod naman na nangyari ay ang 18th blue things. Sunod—sunod na umakyat ang elder sa stage para ibigay sa akin ang things na kailangan hanggang si grandpa na ang lumapit sa akin.
“Happy birthday, Francheska.” malakas at buong—buo na sabi ni grandpa sa akin. “This is my gift for you.” Binigay niya sa akin ang dalawang keys na kulay blue at may name ko rin doon.
Wow, personalized pala
“T—two keys, Grandpa? Meaning dalawang sasakyan din—”
“Hindi, Francheska. Isa ay condo unit sa Lazaro Condominium at isa ay ang sasakyan na request mo,” baritonong sabi niya sa akin.
Nagningning ang mga mata ko sa kanyang sinabi. “W—what? Condo unit and car? Thanks, grandpa! You are the best!” nakangiting sabi ko sa kanya. Kaya ang ginawa ko ay niyakap siya nang mahigpit. “Thank you so much, Grandpa!” Hinalikan mo siya sa kanyang pisngi. “You are the best!”
Hinawakan niya ang aking buhok. “Lahat kayong magpipinsan ay iisa lang sinasabi kapag nakatatanggap ng regalo sa akin.” Naiiling niyang sabi sa akin kaya napangiwi ako.
Kahit naman ganoʼn ay mahal naman kami ni grandpa.
Nang matapos ang lahat ng iyon ay pagkakataon ko na para sa aking speech. Nasa gitna na ako ng stage, ngumiti ako sa kanilang lahat. “Um, mic test, 1...2...3... Good evening sa lahat na dumating sa aking debut... Sa pagiging legal age ko. Pʼwede na akong makulong pero siyempre hindi ako makukulong. Hindi ako pʼwedeng makulong... Except kung may kasama ako sa kulungan, just kidding. Magagalit ang elders lalo na si grandpa. Anyway, thank you so much sa mga umattend sa 18th birthday ko. Hindi ko inaasahan na ganitong ka—engrande ang aking birthday, thanks to my parents kahit late ang dad ko today. Sila ang dahilan kung bakit may ganito ako ka—gandang debut today, dahil inyo sa kanila lalo na kay mom na siyang nag—alaga sa mga tulips na ginawa sa aking 18th flowers. Siya rin ang kasama ko while planning this last year pa. Mom, thank you so much! I love you! You are the best mom that I know. Kapag pipili muli ako ng mom, ikaw muli ang kukunin ko.” Nakangiting sabi ko kay mommy. Nakita ko ang mukha niyang todo ang ngiti ngayon.
“Thanks to my escort to, kay Ninong Xeron. Thanks kasi tinanggap mong maging escort and last dance kita.” Tinignan ko si Ninong Xeron na nakangiti rin sa akin. “To my best friend, Rosy, na always kong nakita ang phone niyang nakataas para kunan ang bawat scenes na nangyayari sa debut ko, thanks for the memories, kunin ko later ang mga iyan, okay? Sa mga relatives ko na nandito, sobrang thank you po sa time and gifts ninyo. Sana nag—enjoy kayo sa food and souvenirs na ibibigay ko sa inyo.” Nakangiting sabi ko at yumuko sa kanila.
Finally, natapos na rin ang mahabang speech ko, impromptu itong speech ko, ha?
Nakita ko ang pagpalakpak nilang lahat. Kaya ngumiti ako sa kanila.
Akala ko tapos na ang lahat perform nagulat ako nang tumayo sina mom, dad and kuya Harold.
Teka, may ganito ba sa flow ng aking debut?
Lumakad sila pa—akyat sa stage at nasa magkabilang gilid ko sila. Siniko ko si kuya Harold. “Anong mayroʼn?” mahinang tanong ko sa kanya.
Tinignan niya ako at nagkibit—balikat. Walang alam, dama ko namang mayroʼn.
“Cheska, anak? Happy 18th birthday.” Hinaplos ni mom ang aking buhok at hinawakan ang aking kamay. “18 years na pala ang nakalilipas nang maipanganak kita. Sobrang liit mo nang maipanganak kita kaya todo alaga ako sa iyo at maging si Harold dahil halos six years ang agwat ninyong dalawa. Ang dad mo ay halos ayaw kang hawakan dahil baka masaktan ka niya, paano naman kasi 38 weeks ka lang ng maipanganak kita. Pero, ngayon dalaga ka na talaga. Lalo kitang nagiging kamukha. Kaya ang wish ko sa iyo, maging masaya ka lang at maging care—free always. Always mong isipin na nandito ako sa side mo at nakagabay sa iyo. Mahal na mahal kita, anak. Happiest 18th birthday, my Francheska.” Nakangiting sabi ni mom sa akin.
Nanginginig ang aking labi nang marinig ko ang sinabi ni mom sa akin. “Mommy naman... Last na ito, oh? Bakit nagpaiyak ka pa?” Sumisinghot na sabi ko kay mom.
“Sorry, Cheska. Iyon talaga ang gusto kong sabihin sa iyo. Basta tandaan mo ay mahal na mahal ka namin, ha?”
Suminghot na naman ako kaya binigyan ako ni kuya Harold ng tissue. “T—thanks! Mahal na mahal ko rin kayo mom and dad, maging ikaw siyempre, kuya Harold!”
Naiiyak na sabi ko sa kanila at nagyakapan kaming lahat. Si dad naman ay hindi nagbibigay ng speech dahil nahihiya siya sa maraming tao.
Nang matapos ang speech nila ay nag—picture—an na kaming lahat.
Natapos ang debut ko na masaya at in love dahil kay Ninong Xeron.