FRANCHESKA POV
NAKATINGIN ako sa bintana, nasa sasakyan na muli ako at iniisip ang napag—usapan namin ni Rosy kanina.
“Paano kung busy siya that day? Sino ang magiging escort mo, ha? Iyong mga pinsan mo? Kaya kailangan mo siyang i—ask para secured na ang pagiging escort niya sa iyo, Cheska. Kailangan mo siyang kausapin, okay?”
Napapikit ako at tinapik ang aking magkabilang pisngi. Kailangan ko na talagang kausapin si Ninong Xeron, baka mangyari ang sinabi ni Rosy. Minsan pa naman ang sinasabi ng isang iyon ay nagkakatotoo.
Ayaw kong maging escort ang alin man sa pinsan ko or si kuya Harold.
Ayoko!
“Miss Francheska, nandito na po tayo.”
Nagulat ako nang marinig ang boses ni kuya Jeffrey, kaya napatingin ako sa gilid at nakita ko ang main door ng house namin.
Nandito na pala ako.
“Thanks, kuya Jeffrey!”
Bumaba na ako sa sasakyan at lumakad papasok sa loob ng bahay namin. Nakita kong sobrang tahimik sa paligid. Lumakad na ako papasok at dumiretso sa room ko para makapagpalit ako ng aking uniform.
Hindi rin naman ako nagtagal sa loob ng walk—in closet ko ay lumabas na rin ako. Gusto kong mag—meryenda pero on the diet ko.
But, nagugutom talaga ako.
“No, kailangan natin kumain, Cheska. One month pa naman before my debut kaya makapag—diet pa ako.”
Bakit ko ba pino—problema ang pagda—diet ko? Hindi naman ako tumataba dahil isa akong Lazaro.
Bumaba na ako from second floor at eksaktong nakasalubong ko sa living room si ate Pola.
“Hello, ate Pola! Nasaan po si mom?” tanong ko sa kanya nang makababa muli ako galing sa room ko.
Naka—pambahay na muli ako.
“Si Maʼam Frances po? Huling nakita ko siya ay nasa kitchen po. Gumagawa ng cookies, Miss Francheska,” sagot niya da akin at nakita ko nga sa mukha niya na inaalala niya ang nangyari kanina.
“Ganoʼn po ba? Sige po, pupunta ako sa kitchen,” sabi ko sa kanya at lumakad na muli para pumunta roon.
Narinig kong gumawa si mom ng cookies, paniguradong masarap iyon kaya kakain ako ng meryenda ko.
Nang makarating ako sa kitchen, wala ng tao roon. Nangunot ang aking noo habang nakatingin sa apat na sulok nito. “Wala si mom here. So, nasaan siya?” tanong ko sa aking sarili. Wala rin akong mapagtanungan dahil wala si ate Nita, ang cook namin here.
Aalis na sana para hanapin si mom nang mapahinto ako. Suminghot ako kung tama ba ang aking naaamoy and Iʼm correct! May cookies dito, may chocolate cookies.
Lumapit ako roon at kumuha ng tatlong piraso, nilagay ko iyon sa small plates ko and kumuha rin ako ng juice sa fridge. Naupo ako sa dining table, kinain ko muna iyon dahil nagugutom na talaga ako.
Paniguradong namang sa bahay iyong cookies, right? Lalo naʼt nasa serving plate iyon.
Kinagatan ko na iyong cookies na siyang pagngiti ko nang malaki. “Ang sarap!” Nakangiting sabi ko habang ninunguya ko ito. Lasang—lasa talaga sa aking bibig ang chocolate.
Mabilis ko rin naubos ang mga iyon at hinugasan din ang pinagkainan ko. Walang hugasan sa sink.
Nang matapos akong kumain at nabusog din naman ako kahit papaano, hinahanap ko na muli si mom. Dama kong nasa greenhouse siya today.
She loves flower. May sarili siyang greenhouse.
Lumabas ako sa bahay and naglakad—lakad ako papunta sa greenhouse ni mom. Siya lang ng pʼwedeng maglabas—masok sa kanyang greenhouse. Siya lang din ang pʼwedeng mag—asikaso ng kanyang mga flower at baka kasi mamatay ang kanyang flowers.
Thatʼs her rules.
Nang makita ko ang greenhouse ay agad akong mabilis na lumakad at doon ay balita ko si mom.
I know it na nandito nga siya sa greenhouse niya.
Pumasok ako sa kanyang greenhouse and narinig kong nagsasalita siya ngayon. “Hello, may babies nagustuhan ninyo ba ang new lights ninyo? And, water?” Narinig ko ang mahinahon na boses ni mom.
Kinakausap niya talaga ang mga flowers niya.
Napatigil siya sa pagsasalita nang makita kong napatingin sa akin si mom. “Cheska, you are here!” nakangiting sabi ni mom sa akin.
Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa kanyang pisngi. “Yes, I am, mom. I like your cookies. Tumikim na ako,” sabi ko sa kanya.
“Para naman sa iyo ang chocolate cookies na iyo, Cheska. May nakapagsabi ba sa iyong nandito ako?” tanong niya sa akin at muling nagdilig siya ng kanyang mga bulaklak.
“I asked ate Pola po then sinabi niyang nasa kitchen po kayo kaya nakita ko iyong cookies, kinain ko po. Then, naisip kong nandito kayo kasi hapon na.” Nakangiting sabi ko at tinignan ang kanyang bulaklak, ang tulips.
“Ganoʼn ba?”
Tumango ako. “Opo, mom. Oo nga po pala, lumalaki naa itong tulips!” sabi ko habang dito pa rin ako nakatingin.
“Kaya nga inaalagaan ko nang mabuti ang tulips na niyan, Cheska.”
“Thanks, mom!” Inamoy ko ang tulips na ito.
Walang nagsasalita sa aming dalawa hanggang narinig ko ang boses niya muli. “Cheska, may I asked you something?”
Napahinto ako pagtingin sa tulips ni mom. Heto ang gagamitin sa 18th roses ko, imbis na roses ay tulips ang gagamitin namin.
“What it is, mom?” tanong ko sa kanya.
“May gusto ka ba kay Xeron?”
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang tanong niya. Napatingin ako sa kanya. Huminga akong malalim at iniisip ko na hindi ako pʼwedeng magsinungaling kay mom. Kailangan ko ng kanyang approval para mailakad niya ako lalo sa mga Ford, lalo na sa mom nila Ninong Xeron, na si tita Josefina.
Close silang dalawa ni mom at ramdam kong bet din akong maging daughter in law ni tita Josefina.
“Cheska, may gusto ka ba kay Xeron?” tanong niya muli sa akin.
“Um...” Tinignan ko siya at dahan—dahan akong tumango. “Yes po, mom! May gusto po talaga ako kay Ninong Xeron...matagal na po! Kaya mom, ilakad ninyo ko kay tita Josefina. And, saka po kung pʼwede ay makausap si Ninong Xeron para masabi ko sa kanya na siya ang escort ko po. Baka po kasing tumanggi siya or... May lakad siya sa mismong debut ko, mom. Can I?” mahabang sabi ko sa kanya.
Lumakad ako palapit sa akin at hinawakan ang kanyang kanang braso. “Mommy? Can I?” tanong ko sa kanya muli.
Tinignan niya ako at ngumiti nang malaki. “Sinasabi ko na nga ba, Cheska. Siya lang ba ang crush mo?” tanong niya muli sa akin.
Napaiwas ako ng tingin sa kanya. “Um, h—hindi po, mommy. M—may gusto rin ako kina kuya Yasir and kuya Zirco. Common lang naman po iyon, ʼdi ba? I mean, common sa ating pamilya?” sabi ko sa kanya.
She nodded at me. “Yes, itʼs common sa family natin na magmahal ng higit pa, Cheska. Kaya kung may gusto ka pa sa dalawang Ford, walang buma—bawal sa iyo. Basta huwag ka lang masasaktan. Ayokong nasasaktan ka.”
“Never akong masasaktan, mom! Kung magkaroon ng ibang gusto silang tatlo, hindi ako magpapatalo. Isa kaya akong Lazaro, mom. Kaya subukan nilang humarang sa pagitan namin, makikita nila ang hagupit ng isang Lazaro, mom.” Tumaas ang sulok ng aking labi nang sabihin ko iyon.
“Dapat lang, Cheska. Hindi pʼwede magpaapi ang mga Lazaro. Kung gusto mo talagang si Xeron ang escort mo, gagawin ko ang lahat for you, okay? Minsan lang ang debut na iyon.”
Napangiti ako sa kanyang sinabi niya at niyakap siya ang mahigpit. “Thanks, mom! You are the best!” nakangiting sabi ko sa kanya.
Secured na ang pagiging escort ni Ninong Xeron.