Walang imikan sina Aiyanna at Clyde hanggang sa makarating sila sa isang fine dining restaurant sa Makati, bumaba kaagad siya sa sasakyan matapos nitong mag-request ng vallet. Bumaba rin naman kaagad ito at naglakad papasok sa restaurant, ni hindi man lang siya nilingon. Ngali-ngali niyang ibato rito ang suot na heels dahil kanina pa siyang naiirita sa mood nito. "Good evening, sir. Do you have a reservation?" bati ng babaeng staff ng restaurant na bumungad sa kanila. Ngiting-ngiti ito kay Clyde at matamang nakatitig sa binata. "We're with Kurt Morris." "Ah, Mr. Asuncion. Good evening, please follow me." anito at nagpa-tiuna sa paglalakad. Elegante ang naturang restaurant na iyon, maririnig ang classical music na tinutugtog ng pianist sa kabilang panig ng gusali. Masasabi ring sikat iy