“So dito ‘yung mga damit ko ha? I will arrange your walk in closet at hahatiin ko ito sa dalawa.” paliwanag ni Aiyanna kay Clyde habang nakapameywang. Tapos na ang ilang araw nilang honeymoon sa Singapore at heto sila ngayon sa bahay ni Clyde at ang aayos ng mga gamit niya. They will finally move in together, ang problema ay masyadong manly ang dating ng bahay nito. It wasn’t a mansion, dahil ang katwiran nito ay ano ang gagawin nito sa mansyon kung mag isa lang naman itong nakatira doon. And he has a point. Tama lang sa isang maliit na pamilya ang bahay nito sa isang eksklusibong subdibisyon, it was a two storey house with a garden and two garadge. Malaki pa nga kung tutuusin, mayroon itong apat na kwarto, isa sa baba at tatlo sa itaas. The master’s bedroom is huge, mayroong bathroom at