Lumagabog ang pintuan ng conference room sa pagpasok doon ni Clyde, sa loob ay naghihintay ang apat niyang kaibigan, nakatutok ang mga mata ng mga ito sa projector screen dahil doon naka-play ang kuha ng cctv camera kung paano na-corner ng dalawang lalaki na naka-uniform ng pang-kitchen staff at pinaamoy ang isang panyo kaya nawalan ng malay si Michelle. He tightly clenched his fist nang makita kung paano nagtawanan ang dalawang lalaki at hinaplos haplos pa ang mukha ni Michelle. Nagmamadali siyang lumabas sa conference room at nagtungo sa interrogation room sa building din ng Club Deluxe. Nandoon ang isang lalaking sugatan, naka-upo ito sa isang upuan at naka-posas ang magkabilang kamay sa likod nito. Ito na lang daw ang natirang buhay sa mga kidnappers ni Michelle. Ito rin ang isa sa m