“Good Morning!” masiglang bati ni Aiyanna kay Jacqueline at Chelle nang makasabay niya ang mga ito sa elevator. “Good morning, ma’am. Grabe ang mas blooming ka yata ngayon?” puna na Chelle sa kanya. “Oo nga. Iba talaga kapag may asawa na, paganda ka ng paganda.” segunda ni Jac. “Hoy. Ke-aga-aga, binobola niyo ako.” natatawang saway niya sa dalawa. “Oo nga pala, tapos ko nang pirmahan ‘yung report na ipinasa niyo sa akin nung nakaraan. It’s in my office.” aniya bago makarating sa office floor ng dalawa. “Ay sige, ma’am. Kukunin ko na. Sasabay na ako sa’yo.” sabi ni Jac. “Mauuna na ako sainyo kasi may kailangan akong tawagan na supplier.” sabi naman ni Chelle nang bumukas ang pintuan ng elevator sa floor nito. Ilang araw na rin ang lumipas mula noong magkaroon ng insidente sa ba