Habang nakikinig si Ranz ng mga kanta nila sa kanyang IPOD. hindi niya padin maalis ang nakakainis na nararamdaman niya Bakit pumayag si Ysay makipagkita ka Ranz? OO nagseselos siya sa sarili niya. Alam niyang kalokohan ngunit naiinis talaga siya. Labis na pagka-dismaya ang naramdaman niya nang sumagot si Ysay sa isang text msg ni Ranz.. Sinubukan lamang niya kung kakagat si Ysay sa Text message niya. Napakasaya pa naman nila kanina. Ngunit bakit gusto pa din makipagkita ni Ysay sa isang katauhan niya? Hindi pa ba ito masaya na nandiyan na siya? Kulang pa ba siya? Ininom niya ang Vodka na nakapatong sa side table niya. Nararamdaman niya din na may epekto na ito sa katawan niya. Narinig niyang kumakatok si Mang Lindo. "Tuloy..." "Ser nasa labas na ho si Ma'am Ysay.." "Let her in.