Chapter 5 :)
(^^ OFlo POV)
4am..
paulit ulit padin sa isip ko yung mga pinagsasasabi ng Ysay na yon >_____
Shit! di tlga ako makatulog!!!!
Binato ko yung una ko sa gilid ng kama ko..
At nahiga nalang ako sa sahig!!
Nakakainis bakit ba naiisip ko sya?!
Kahit anung gawin ko di talaga ako makatulog.. =______=
First time may nagsabi sakin na hindi ako magugustuhan..
Tss.. Nagpapakipot lang siguro yun..
Mukang mapapahiya pa ako kila Rupert neto huh? Ang arte naman kasi ng babaeng yun..
Tss..
Tinakpan ko ng unan yung mukha ko. Naiinis kasi talaga ako dahil palagi ko naiisip yung mga ngiti ni Ysay Nung nagpapakilala sya sa ClassRoom namin kanina..
Waaaaaaaa anu bang nangyayari sakin?!
Kahit ayoko isipin naiisip ko talaga..
Parang natural na natural kasi sya kumilos.. Di ko lang makita kung sexy ba sya dahil balot na balot yung katawab nya..
Kung manamit kasi sya para syang Manang..
tss Kakaiba sya.. Tama kaya ko lang sya naiisip dahil kakaiba sya.. Yun lang..
Yun lang tlaga.. Di ako nagagandahan sa Baduy na yun..
Ang taray taray pa.. Akala mo naman Type ko din sya?!
Makatulog na nga!!
*Kinabukasan*
Naabutan ko Nag-aalmusal na sila Mama At Papa..
"Oh anak bakit parang naglamay ka kagabi baby ?"
Hinawakan pa ng Mama ko yung magkabilang pisngi ko pero agad ko din iniwas yung mukha ko. at inalis yung kamay nya
"Ma wag ngayon.."
Umiwas ako kay Mama nakakabakla kasi yung treatment nya sakin parang baby padin eh
=_______= kumuha ako ng bacon at sandwich un nalang kakainin ko.. Papasok nako agad.. Late na din kasi ako..
"baby wag mo ng pansinin si OFlo binata na yan eh ginagawa mo pang Baby..He's 18 remember?"
Sabi naman ng Papa ko.. Nga pala kilala nyo naman na siguro yung Mama at Papa ko? Si Zander Chavez at Andrea Chavez yung mga magulang ko.. Bilib ako sakanila dahil kitang kita ko kung gaano nila kamahal yung isat isa.. ang bait kasi ng Mama ko.. lahat nasa kanya na..
Tss mukang wala na ngang babaeng katulad ni Mama s panahon ngayon ..
si Ysay kaya Mabait din kaya sya?
What?!
Bakit naman nasali yung Buwisit na mangkukulam na yun?!
Dahil sa babaeng yun nabawasan tuloy yung kagwapuhan ko ng 1% dahil d ako nakatulog ng maayos kagabi tss..
Lagot yun sakin mamaya..
"Binata na nga.. may sinabi ba ako baby ha?"
=_____= Kaso mataray si Mama parang si Ysay din to eh..
Shit! Ysay nanaman?!
"Ma ..Pa pasok na po ako.."
"Ok son.. wala ka padin bang ipapakilala samin? Any Girlfriends? Aw---"
Binatukan ni Mama si Papa at medyo napalakas ata..
"Madami Pa.." natatawa na din ako sakanilang dalawa.. tss
Kung alam lang ng mga tao yung buhay namin dito sa Mansyon.. araw araw siguro matatawa sila.. Masaya kasi sila kasama..
"Tignan mo na Zander kung ano ano kasi tinuturo mo sa Anak mo! Naku baby dpat only one girl lang.."
"Haha I'm just kidding Ma.. Alis na po ako late nako eh.."
Nagmadali nako umalis ng bahay dahil late na talaga ako..
Ginamit ko nalang yung BMW ko isa sa mga kotse ko.. Haha Sampu kasi yung kotse ko..
Yun nga pala yung mga Collection ko..
Nag park nalang ako sa Pinakamalapit sa building namin.. Para makaabot pa ako sa First Class namin.. Ewan ko ba snay naman ako nalelate ako pero parang ngayon ayoko may-mamissed kahit ilang minuto sa Bio Class ko..
Habang papaakyat ako ng hagdan..
*Pook*
May nabanga akong babae!! tumilapon lahat ng hawak nyang papel kaya tinulungan ko syang pulutin isa isa..
"S..sorry.."
"Anak ng baka naman! Ikaw nanaman?!"
"Sorry na nga db?"
(^^ YSAY POV)
"Sorry na nga di ba?"
Aba't pinapainit talaga nito yung ulo ko..
Tumilapon tuloy lahat ng Xerox Copy ko.. Aayusin ko pa tuloy to.. >____
"tss Sorry Sorry! May magagawa pa ba yang sorry mo?! kung Tumilapon na to lahat? Ako nanaman mahihirapan nito eh!"
"Look.. Sorry okay? Ano ba kasi tong mga to?"
"Akin na nga yan!"
Kinuha ko na sakanya yung mga papel na pinulot nya.. hmm infairnes ha may pagka gentlemen pala tong si OFLo..
"Xerox Copies yan di mo ba nakikita? Nwala yung Libro ko sa Bio kaya pinaXerox ko.. Paano nako makakareview nyan? Aayusin ko pa tuloy yan by pages!"
"Yun lang ba? Oh ayan sayo nalang yang Libro ko.. Daldal mo" Inabot nya sakin yung Libro nya at Lumakad na palayo..
(*___*) May book nako?
tss daldal ko ba?
Haaaay kainis.. Gwapo sana yun kaso naiinis ako sa kayabangan nya!
Kala ko ba liligawan nya ko?
Uwaaaaaaaaa kapal ko.. >____
Eeee Malay ko ba kung Crush nya ako?
Hihi napapangiti tuloy ako.. Type nya ako siguro haha.. Ang Ganda ko ^_____^