Kabanata 38 CAN'T HELP FALLING IN LOVE "Alam mo hanapin nalang natin sila." Ilang ulit ko ng sinabi kay Trsitan pero parang wala siya naririnig at tuloy lang siya sa paghila sakin kung san-san. "Pres malaki na sila kaya na nila sarili nila." Sagot naman sakin ni Tristan ni-hindi ko nga napansin na pumasok pala kami sa isang booth. "Welcome po sa Love Test booth!" Sabay-sabay na sabi ng tatlong girls sa entrance. "Hoy anong ginagawa natin dito?" Pabulong na tanong ko kay Tristan. "Join na kayo Sir, Ma'am! Madali lang naman yong mechanics, ipapasa niyo lang yong taltong challenge at saka kayo makakakuha ng couple prices!" "Ay hindi po – " "Sige Sir dito nalang po tayo." Sabay na sabi ko at ng sales lady. Tumango naman si Tristan sa kanya at saka ako muling kinaladkad para makasunod k