Kabanata 57 LOVE STORY As in lahat kami nag-antay ng sasabihin niya pero wala talaga siyang sinabi na kinailangan pang si Daddy yong magbreak ng silence. "Hey, Hon want to say something?" Malambing na sabi ni Daddy kay Mommy at mukhang humawak pa siya sa kamay ni Mommy na nakapatong sa lap niya kasi medyo gumalaw si Mommy. Lahat tuloy ng atensyon ay nasa kay Mommy na. Nag-angat naman siya ng tingin at agad na nagsalubong yong tingin namin. Ilang sandali din kaming magka-eye to eye lang hanggang sa bumuntong hininga siya at binuka yong ibig niya para magsalita. "Friagne, Khalisee. Being in love is normal at your age, I understand that. I'd been there." Seryoso niyang sabi samin since tinawag na din naman niya kami sa real names namin at lahat kami as in nakakikinig lang sa kanya at