Kabanata 45 BACK TO DECEMBER Days turn to weeks and weeks to months. Minsan feeling ko lumilipas lang yong araw sa isang kurap kasi para sa araw na 'to magcecelebrate kami ni Tristan ng third monthsary namin. Mabuti nalang at Saturday walang pasok at mas lalong akong pending na work sa student council. Day off ko din sa milk tea shop pero lintek na Ron yon hindi ko pa din malimutan yong mga pang-aasar niya sakin kahapon buong shift kasi alam niyang monthsary namin kinabukasan ni Tristan. "Eto na ba? Ano sa Sunday dadalawin ba kita sa bahay mo?" Napakunot naman yong noo ko sa sinabi ni Ron. "Bakit anong meron?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Ngumisi naman siya sakin. "Sus pa virgin!" Hindi pa nakontento at sinundot pa niya yong tagiliran ko. "Ron!" Inis kung sabi sa kanya. Kaso ayaw