Chapter forty one ARA Ang bigat ng pakiramdam ko pagkauwi, sinisisi ko nanaman ang sarili ko sa nangyayari sa buhay ko ngayon, wala naman talagang ibang sisisihin kung hindi ako. Ang hirap tanggapin ng lahat sobrang bigat sa pakiramdam, para kaseng hindi pa ako napapatawad ni Junpei, napatawad na nga ba niya ako? Magpapakaabala na lang ako para naman hindi ako mag isip ng kung anoa no, naghanap ako ng lulutuin kaso kulang ang sangkap. “ Bibili muna ako sa grocery, may kulang kaseng sangkap.” “ Hintayin mo ko kukunin ko lang yung susi ko.” Hindi naman ako makakaalis dahil wala naman masakyan dito, sabay kami ni Junpei na bumili sa grocery, dalawa lang naman ang kailangan kong bilhin dito kaso nga lang si Junpei nakita kong parang natataranta at kapa ng kapa sa bulsa niya. “ Hindi ko