NATAPOS ang pag-install ng mga cctv, at naiwan ang tatlong NBI upang magmanman. Habang sila Clyde at ang iba nilang kasama ay muling bumalik sa hacienda. "Dude, doon muna kami sa sa gate, magbantay muna kami," anang kasamahan niya. "Sige, dude. Mag-ingat kayo." Nang makaalis ang tatlo nilang kasamahan ay sinabihan ni Clyde ang partner niya na magpahinga muna dahil alam nito na pagod rin ito sa ilang araw na walang eksaktong pahinga. Hindi naman tumanggi si Doyzkie sapagkat nakaramdam na rin siya ng pagod. Isang linggo ang lumipas at tuluyang gumaling si Mang John at Ismael, kaya may lakas na ito para makapag lakad nang maayos. Sinamahan sila ni Clyde at ni Alona sa police headquarters upang pormal na isampa ang kaso laban kay Nocky at sa tatlo nitong tauhan. Ngunit marahil wala sil