GUMANTI ang grupo ni Clyde at isa na siya doon. Natamaan niya ang isang tauhan at bumagsak ito, babalikan sana siya ng isang kasamahan niya ngunit malapit na ang grupo ng mga NBI kaya kumaripas na rin ito ng takbo. At nagkahiwalay sila ni Nocky sapagkat mabilis itong tumakbo at nawala na ito sa paningin niya. "Tigil…" sigaw ni Doyzkie. Ngunit patuloy pa rin ito sa pagtakbo. Habang si Clyde, Zade, Junas, at ang dalawa pa nilang kasama ay patuloy nilang hinahabol si Nocky. Hindi na alam ni Nocky kung saan siya dadalhin ng mga paa niya sa pagtakbo. "Nocky… tigil!" sigaw ni Clyde, sabay baril niya rito. "Aaaah… s**t!" daing Nocky. Nakasubsob ito sa damuhan dahil natamaan ang hita nito at tumilapon ang hawak niyang baril. Gagapang sana ito para kunin ang kanyang baril subalit nahawak