SI DOYZKIE ang nasa labas ng pinto at nakatayo ito habang naghihintay na buksan ang pinto. "Good morning, dude. Akala ko ay tulog ka pa," Pumasok siya at umupo sa sofa. "Gising na ba ang lahat?" tanong ni Clyde. "Yes, partner. Nasa sala na ang lahat." "Good! Sana successful ang lakad natin," pahayag nito. "Oo nga, partner," sang-ayon ni Doyzkie. Hanggang sa bumaba na ang dalawa at sakto naman na nakapag handa na ang kusinera, maaga itong nagluto dahil sinabihan na ito ni Clyde kagabi. "Good morning, sir. Handa na po ang lamesa," sabi ng kusinera. "Salamat, manang," aniya. "Sir, Tumawag pala si, Ma'am Alona. Ang sabi niya ay mag-prepare ako ng mga for goods para madala ninyo, just in case raw na gagabihin kayo sa daan," pahayag ng kusinera. Napangiti naman si Clyde sa gi