"Isang buwan ang nakalilipas pero hindi na nagparamdam si Tito Collin kay Mameta, at awang-awa ako sa kaniya noon dahil palaging malungkot si Mameta ko." "Partner, hindi ba tumatawag sa 'yo si Collin?" "Hindi, partner. Hindi pa ba tumawag sa 'yo?" "Hindi nga, partner, eh. Mula noong dumating tayo dito ay hindi na siya nagpaparamdam sa akin. Ano kaya ang nangyari sa taong 'yon?" "Siguro busy lang iyon, partner. Kaya 'wag mong masyadong iisipin, tatawag rin 'yon." "Sobra lang kasi akong nag-alala." "Ahhh… partner, gusto mo sa Linggo bakasyon tayo sa Davao? Para malibang ka naman." "Talaga, Mommy? Bakasyon tayo sa Davao? Sige, Mommy, kasi miss na miss ko na rin si Daddy, eh!" "Isang linggo na rin kasi na hindi na ka bisita si Daddy sa Cebu, dahil sobrang busy nito sa negosyo. Pum