KINABUKASAN ay bumalik sina Alona sa hacienda upang mag-iwan ng mensahe sa mga tauhan. Binili niya na kasalukuyang pinaayos pa niya sa abogado ang para sa bago nilang mga sahod at para sa matatanggap nila. Ang sabi niya ay babalik sila pagkatapos ng kaniyang kasal. Nagpadagdag rin sila ng mga guwardiya at pinapahigpitan muna ang pagpapalabas-pasok sa hacienda upang maiwasan ang trahedya. Hanggang sa nakabalik sila sa Davao. SUMAPIT ang araw ng kasal at dumating si Yellah galing States. Sapagkat hindi puwedeng wala ito sa araw ng kasal nang kaniyang nag-iisang Kuya Clyde. Siya ang bridesmaid at si Doyzkie naman ang best man. Dahil abala na si Clyde at Alona sa pag-aasikaso sa araw ng kanilang kasal. Kaya hindi na siya nakasama sa pagsundo ng kaniyang kapatid. At naintindihan naman iyon