"Okay, dude," tugon ni Doyzkie. "By the way, mine. Siya pala si Eduardo. Siya naman ang asawa." Pakilala niya rito. "Magandang umaga, ma'am." Nang matapos ipinakilala ni Clyde sa asawa niya si Eduardo ay pumanhik na silang mag-asawa sa kanilang kuwarto. "I miss you, mine…" wika ni Clyde sa asawa niya at kasalukuyang nasa loob na sila ng kwarto. "I miss you too, mine. Hindi ka ba nagutom?" tanong ni Alona sa asawa at pareho silang nakaupo sa gilid ng kama. "Busog pa ako, mine. Matulog muna tayo para hindi ka mapagod at ang baby natin." "Okay, mine." Sabay na ang mag-asawa na humiga at hindi na pinayagan ni Alona na mag-shower ang asawa dahil alam niyang pagod ito sa biyahe, maya-maya pa ay humihilik na si Clyde. Ngunit si Alona ay nanatili pang gising sapagkat maaga itong nat