NAGPATULOY ang celebration nang matapos magsalita si Yellah. Hanggang sa nagsimula ang sayawan at unang naging partner niya ay si Laurence. "Ang ganda mo ngayon, Yellah, pabulong niyang sabi at kasalukuyan pa silang sumasayaw. "Ngayon lang ba?" tanong ni Yellah at nakatingin ito sa mukha ng binata. "What I mean… mas lalo ka pang gumanda ngayong totally na nasa tamang edad ka na," paliwanag nito. "I see. Thank you." "Hmmm… Yellah," pabulong na sambit ni Laurence. "Yes?" At muli siyang tumingin sa mukha ng binata. "May sagot ka ba sa panliligaw ko sa iyo noon?" pormal niyang tanong. "Wala pa akong sagot Laurence. Hayaan mo bago kayo umalis ay malalaman ang magiging sagot ko." "I see. Maghihintay ako, Yellah." "Thank you Laurence." At bahagya siyang ngumiti. Nang matapos