NAGPUNTA si Ayesha sa mental hospital at may dala siyang prutas para ipasalubong sa Mommy niya. Hanggang sa nakarating na siya at dumiretso sa receptionist. "Excuse me, ma'am. Dadalawin ko si Mrs. Monique Del Valencia." "Ka ano-ano mo siya, ma'am?" tanong ng receptionist. "I'm her daughter," tugon niya. "Okay, ma'am. Hintayin n'yo na lang d'yan." Sabay turo sa bakanteng lamesa. "Ma'am, tanong ko lang. Kumusta ang Mommy ko dito?" "Okay naman siya, ma'am. Medyo tahimik lang at tulala." "Thank you!" Umalis na siya at umupo sa bakanteng lamesa. At maya-maya pa ay lumabas si Monique at inalalayan ito ng isang babaeng nurse. Napansin ni Ayesha ang paglabas ng Mommy nito at tinitigan niya ito nang mabuti. Hanggang nasa tapat na niya ang ina, tumayo siya upang yakapin ito. "Mom—" Na