KASALUKUYANG nasa dalampasigan na sila, nakaupo ang mga ito habang nakatanaw sila sa palubog na araw. Masaya sila at patuloy ang kwentuhan nilang buong tropa. Saglit na nagpaalam si Narren upang magpunta sa banyo. At nakakuha naman ng pagkakataon si Laurence upang makausap niya si Yellah. Nagpaalam siya kay Clyde nang maayos at pumayag naman ito. At para makapag-solo ang dalawa ay iniwan muna nila ito sa upuan at si Laura't Jhapdel ay naglakad-lakad sa dalampasigan "Yellah…" sambit ni Laurence sa mahinang boses. "Yes?" pabulong niyang tugon. "Naalala mo pa ba ang sinabi ko sa iyo noon?" tanong niya sa dalaga. Hindi sumagot si Yellah, pero binalikan niya ang mga sinasabi ni Laurence noon sa kaniya. "Yellah." "Yes?" "Aalis na pala kami next-week." "Yeah, I know. Laura told me