NAUNA nang lumabas si Eduardo, at maya-maya pa ay lumabas na rin si Alona para makapag pahinga ang kapatid niya. Hanggang sa pumanhik na sila sa kwarto at agad humiga si Clyde, pakiramdam ni Alona ay pagod ang asawa kaya hinayaan niya itong makapag pahinga. "Mine, halika dito," tawag ni Clyde sa asawa. Agad ring lumapit at humiga ang buntis sa tabi niya. Niyakap siya ni Clyde at at panay haplos sa maumbok na tiyan ni Alona. "Excited na akong lumabas ang panganay natin, mine." "Ako rin, mine," tugon naman nito. "Hmmm… nag-alala talaga ako sa paglipat kay Monique sa mental, mine," wika ni Alona. "Huwag kang mag-alala, mine. Aasikasuhin namin iyan at mamaya ay sasabihin natin kay Mommy." "Okay, mine." At maya-maya pa ay nakatulog na ang mag-asawa, pero nagising rin sila banda alas-