XELLONIA POV “THEREʼS a party on May 28, baby ko.” Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ni daddy Vill. “What?” bulalas na tanong ko sa kanilang dalawa. “M—may party sa May 28?” Paniniguradong tanong ko muli sa kanya. Tinignan naman ako ni daddy Santi. “Yes, my munchkin. Tama ang narinig mo mula kay Vill. May Lazaro family gathering this May 28, my munchkin,” dagdag niyang sabi sa akin. Bigla akong kinabahan sa sinabi ni daddy Santi. “F—family gathering?” nangangatog ang aking boses habang tinatanong ko iyon sa kanya. Tumango silang dalawa sa akin. “At doon,” mababang sabi ni daddy Santi habang hinahawakan ang kamay niya, “ipapakilala ka namin sa buong Lazaro clan, my munchkin.” Parang nanigas ako sa kanyang sinabi. Hindi lamang iyon dahil ang aking magkabilang kamay ay nanginginig

