XELLONIA POV JUNE 18, nagising akong sobrang agad at sobrang ganda ng panaginip ko. Hindi ko alam pero sa panaginip ko ay may tatlong tao na masaya na nakatingin sa akin ngayon. Hindi ko makita ang itsura nila dahil sobrang blurred ng kanilang mukha, hindi lang iyon dahil madilim sa pʼwesto nilang tatlo. Napaka—weird ng aking panaginip pero kita mukha nila na sobrang saya nila. Sino kaya sila? Nakagat ko ang aking ibabang labi at nawala rin ang naisip ko nang marinig ang boses ni ate Hazel. “Maʼam Xellonia? Gising na po ba kayo?” Lumakad ako roon at binuksan ang pinto. Hindi ko na pala kasama sina daddy Santi and daddy Vill dahil pinaghiwalay na kami ng bahay noong three days na lang before ang kasal namin. “Gising na po ako,” nakangiting sabi ko sa kanya. “Maligo na raw po kay

