XELLONIA POV NAKATINGIN ako sa aking plato na naubos ko ang lahat ng pagkaing nakuha ko. Hindi ko alam pero sobrang gutom na gutom ako. Isama na rin na napagod ako sa nangyari sa amin kagabi. Parang lahat ng aking lakas ay nawala at ngayon ay nagbabawi ako ng kain para magkaroon muli ng energy. Napadighay ako kaya tinakpan ko ang aking bibig. Naramdaman kong gumaan kahit papaano ang aking pakiramdam. Napatingin ako sa ibang kumakain, maging kay Karen na hindi pa rin tapos kumain. Bread na ngayon ang kinakain niya. Sinulyapan ko lang siya at muling tumingin sa buong paligid ng restaurant kung nasaan kami ngayon. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang wala pa rin sina daddy Santi—no, Master Santi and Master Vill. Sana tulog pa talaga silang dalawa. “Yes, Master not daddy, Xellonia.”

