XELLONIA POV “KAREN, nakakatakot niyang pagngisi—ngisi mo, ha? Ano ba talaga niyang dala mo?” tanong ko muli sa kanya. Lumakad siya muli at nilapag sa may mahabang sofa sa harap ng kama ang hawak niyang malaking box. “Heto namang si Maʼam Xellonia ay kinakabahan... Ngumisi lamang naman ako. Anong mali sa ngisi ko, ha?” giit niya sa akin. “Kasi nga nakakatakot ang ngisi mo! So, ano iyan?” tanong ko muli. Tinuro niya ang malaking box sa harapan namin. “Hetong luxury box ay delivery from Madam Bianca!” malakas niyang sabi sa akin. Napahinto ako sa kanyang sinabi. “W—what? Delivery from mom Bianca?” takang tanong ko sa kanya. Tumango—tango si Karen sa akin. “Yes. The parents of Master Santi and Master Vill!” malakas niyang sabi sa akin. Napatitig ako sa kanyang sinabi. “Alam kong p

