XELLONIA POV INAKYAT naming lahat ang tatlong box na, nagtulong—tulungan kami sa pag—akyat dahil may kabigatan din pala ito. Nakakapagod. “Salamat po, mga ate!” malakas na sabi ko sa kanila at ngumiti sila sa akin. Nakatingin na tuloy ako sa tatlong malalaking box na ito. Paano kaya nila nakaya buhatin ng delivery guy ito? Hinayaan ko na lamang muna ang mga ito sa bed namin at muli akong bumalik sa study table ko. Mag—aaral na lang muli ako dahil bukas ay hindi ako papasok sa review center. Aasahan ko muli si Karen bukas. Bago maghapunan ay bumaba na muli ako papunta sa kitchen. Gusto kong paglutuan sina daddy Santi and daddy Vill. May napanood akong food video about sa liempo na may all purpose cream, mushroom and corn. Nilagay ko muna sa airfryer ang limang liempo para health

