XELLONIA POV HALOS limang oras ang naging byahe namin nang makarating kami sa Lazaro Beach Resort. Nagbabaan na kaming lahat habang kanya—kanya buhat ang aming gamit. Isang backpack lang ang dala ko at isang shoulder bag na malaki. Nang makababa ay hindi ko napigilang mamangha sa paligid namin ngayon. Malawak ang resort nila. White and puro ang buhangin. Sa malayo ay tanaw agad ang crystal blue water mula sa dagat. At halos parang private paradise sa sobrang ganda ng nakikita ko ngayon. “Grabe... Sobrang ganda,” bulong ko habang nakatingin pa rin sa paligid. Binangga ni Karen ang aking braso. Napatingin ako sa kanya at ngumisi siya sa tabi ko. “Sabi sa iyo, eh. Sobrang ganda rito sa Lazaro Beach Resort, Xellonia. Mag—e—enjoy tayo sa loob ng three days. Ang dami nating pʼwedeng gaw

