XELLONIA POV TUMAHIMIK ako sa pagitan nilang dalawa. Nabibingi na ako sa paulit—ulit nilang sinasabi sa akin. Tinakot ko lang naman silang dalawa. Napalunok ako kasi pakiramdam kong sobrang awkward. Sobrang init ng atmosphere sa buong paligid naming tatlo. At iyon ang kinababahala ko. Huminga akong malalim para makapagsalita na ako. Gusto ko na rin pag—usapan ang tungkol sa aming tatlo. Tungkol sa nangyari na naman sa amin kagabi. “Hmm...” Napahimig ako at tinignan sina daddy Santi and daddy Vill sa magkabilang side ko. “W—we need to talk... About last night,” pag—uumpisa kong sabi muli sa kanila. Nakita ko ang pagtahimik nilang dalawa at tinignan nila ako. Nakita kong biglang naging seryoso ang mukha ni daddy Vill. Habang si daddy Santi naman ay dilat na dilat ang kanyang m

