VILL POV MULA sa kinatatayuan ko ay tahimik ko lamang pinagmamasdan si Xellonia habang masaya siyang nakikipag—kʼwentuhan kina Mrs. Patricia and Mr. Xander Cruz, ang grandparents ni Penelope. Paminsan—minsan ay naririnig ko silang magaan na nagtatawanan na tatlo. Hindi ko alam kung ano ang pinag—uusapan nilang tatlo lalo naʼt nasa kalayuan kami ni Santi ngayon, habang kausap ang kapatid naming si kuya Javier. Hindi ko napigilang mapangiti. Hindi ko maipaliwanag, pero ngayon ko lang nakita si Xellonia na ganito kasaya habang may kausap na halos ngayon lang niya nakilala. Kapag titignan sila ay parang matagal na silang magkakilala. Parang natural na natural ang kanilang pag—uusap. Kaya hindi ko rin masisi ang ibang napapatingin sa kanilang direksyon. “Sheʼs smiling a lot,” mahinan

