CHAPTER 10

728 Words
SANTI POV HINIGOP ko ang yosing hawak ko at sininghot iyon, nilabas ang usok sa aking bibig. “Fudge!” madiin na mura ko nang maalala na third death anniversary ni Penelope bukas, ang babaeng pinakamamahal namin ni Vill. Sa loob ng isang taon naming pagsasama bilang mag—asawa ay sobra namin siyang minahal. Inalay namin ang buhay namin sa kanya. Ginawa namin ang lahat pero namatay na siya. Kinuha na siya ng maykapal sa amin. And, ngayong araw ay third death anniversary na niya. Tumayo na ako sa aking pagkakaupo sa swivel chair. Nawawala na ako sa focus. Hindi ako makapag—trabaho nang mabuti. Kinuha ko ang aking gamit at lumabas na rin ako sa office room ko. “Marvin, I need to go. Kailangan ko nang maagang umuwi.” sabi ko sa aking secretary nang makalabas ako. Tumango siya sa akin at muling lumakad. “Fudge, I miss her!” madiin na sabi ko habang hinihintay na bumukas ang elevator sa basement parking. Sa aming dalawa ni Vill ay ako ang hindi niya nakasama nang mamatay siya. Nasa meeting conference ako sa Thailand nang mawala siya. Nang makauwi ako ay nakita ko na lang siyang nasa coffin na. Hinawakan ko ang aking buhok at ginulo ko iyon. Nasa sasakyan na ako. “I need to do something tomorrow. Kailangan kong ilabas ang aking nararamdaman bukas!” madiin na sabi ko habang nagda—drive na ako papunta sa house namin. Sa loob ng tatlong taon na nawala siya sa amin, ganito ang lagi kong ginagawa. Nilululong ko ang aking sarili sa alak para hindi maalala ang pagkamatay niya. “I miss her. Sobrang miss na miss ko na talaga si Penelope!” madiin na sabi ko sa aking sarili. Walang araw na hindi ko siya namimiss. “My Pene... Magparamdam ka naman sa akin bukas. Kahit yakapin, hawakan mo ko or kahit anong gusto mo... Basta magparamdam ka lang sa akin. Sobrang miss na miss na kita talaga kita.” sabi ko sa aking sarili habang nagda—drive pa rin ako, pauwi sa bahay namin. Nang makarating sa bahay, pinark ko ang sinasakyan ko. Nakita kong bakante pa ang nasa side ni Vill, mukhang nasa company pa ang kakambal ko. Lumakad ako papasok sa bahay, napapikit ako nang maramdaman ko ang lamig na bumabalot sa aking katawan ngayon. “My Penelope, hindi ka pa rin mawala sa akin. Namimiss ko pa rin ang amoy, lambing, yakap at halik na binibigay mo sa akin kapag dumadating kami ni Vill galing sa company. Miss na miss pa rin talaga kita.” Nakatingin ako sa malaking picture frame ni Penelope ngayon. Naka—display ang kanyang larawan bago ka tuluyang makapasok sa living room. “Good afternoon po, Mr. Santi. Dumating na po pala kayo. Gusto ninyo na po bang kumain?” Tinignan ko ang isa sa mga kasambahay namin, si Betty. Siya ang nagsisilbi kay Penelope noong nabubuhay pa ang asawa namin. Umiling ako sa kanya. “Hihintayin ko na lamang si Vill na dumating. Sa ngayon, hayaan ninyo kong mapag—isa.” sabi ko sa kanya at umakyat sa second floor, kung nasaan ang master bedroom na hindi na namin nagagamit. Bumalik kami ni Vill sa kanya—kanya naming room bago namin pinakasalan si Penelope. Kaya ang master bedroom ay isang alaala muna. Hindi kami madalas pumupunta roon dahil kapag nandoon kami ay namimiss lang namin siya, pero now ay kailangan ko si Xellonia. Kailangan ko ang presenya ng aming asawa. Huminto ako sa tapat nito at napabuntong hininga, hawak ko na rin ang doorknob at nag—iisip ako kung bubuksan ko ba ito. “I need her.” Tatlong salita lamang iyon kaya nagkusa na akong buksan ang pinto nito. Napapikit ako nang maramdaman ang kanyang presenya. Lumakad ako papasok sa walk—in closet at kumuha ng kanyang damit. Kinuha ko ang palagi niyang sinusuot, ang white dress na unang regalo namin sa kanya ni Vill. Bumalik ako sa kama at humiga roon. Niyakap ko nang mahigpit ang white dress at inamoy—amoy iyon. Nandoon pa rin natural na amoy ni Penelope. “My Pene, I love you so much. Ikaw pa rin ang babaeng pakakasalan at mamahalin ko habang buhay. Tanging ikaw lamang.” madiin na sabi ko at hindi ko namalayang dumilim na ang aking paningin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD