XELLONIA POV “BABY ko, may isa pa kaming surprise sa iyo.” Napatigil ako sa pagkain nang marinig ko ang sinabi ni daddy Vill. “May isa pang surprise kayo? Anong ibig mong sabihin?” tanong ko sa kanilang dalawa. Nakita ko ang tinginan nina daddy Santi and daddy Vill. Tumayo na silang dalawa sa kinauupuan nila at nasa magkabilang gilid ko na silang dalawa. “A—ano na naman ang gagawin ninyo dalawa?” nauutal kong tanong sa kanilang dalawa. Nakita ko na lang na ngumiti silang dalawa sa harapan ko. Lalo akong nabigla nang bigla silang lumuhod pareho sa aking harapan. “H—Huy, b—bakit kayo nakaluhod sa harapan ko? A—anong nangyayari sa iyong dalawa?” tanong ko sa kanyang dalawa. Kinakabahan na ako. Malakas na ang kabog ng aking puso, at nanlalamig na rin ang magkabilang kamay ko. Ganoʼn

