XELLONIA POV “KAYO na ang next, Xellonia!” Napapikit ako nang marinig ko ang malakas na boses ni Karen. Bumaba na rin sina ate Mica and kuya Albert galing sa langit. “Xellonia, kayo na!” Nagulat ako nang itulak ako ni Karen at halos mapasubsob ako, mabuti na lang ay nakapag—balance ako. “Excited ka bang makasama mo kami, Miss Xellonia?” Nakangiting tanong ni Master Santi sa akin at hinawakan niya ang aking braso. “Excited na niyan siya, Master Santi!” Mabilis akong napalingon kay Karen. Sira talaga ang ulo nito. “We all know, Karen. Donʼt worry, Xellonia. Kaming dalawa ang makakasama mo sa itaas,” sabi ni Master Vill sa akin. Napangiwi ako sa kanyang sinabi hanggang nangunot ang aking noo. “What? A—anong dalawa kayo? Eh, dalawa lang itong upuan—ha?” Nagulat ako nang makita ko

