Nagbaba ako nang ulo nang dahil pakiramdam ko ay hindi ko kayang salubungin ang mga tingin niya dahil sa ginawa kong pagtatago ng katotohanan. Kulang pa nga iyon sa nalalaman niya, nila, at paano ko pa kaya masasabi ang bagay na iyon? Akala ko ay wala na akong mukhang maihaharap sa kanya pero lahat ng takot na nag-uumpisang sumibol sa aking puso ay unti-unting naglaho na parang bula nang marinig ang sumunod niyang sinabi. “Matagal ko nang alam pero kahit ano pa man ang katauhan niya ay hindi magbabago ang nararamdaman ko para sa kanya. Kahit sino pa ang mga magulang niya, mamahalin ko pa rin siya…” Sinabi niya iyon nang hindi inihihiwalay ang pagkakahinang ng aming mga mata. Nag-init ang magkabilang sulok ng aking mga mata hanggang sa tuluyan na akong napaluha. I hugged him tight as if

