“Am I pretty na po ba, Ate Lana?” Napangiti ako habang sinusuklay ang buhok ni Chantal. Tumingin ako sa salamin kung saan makikita ang repleksyon naming dalawa. Nakatingin din siya roon habang hinihintay ang sagot ko. Mabagal naman akong tumango. “Yes. You are absolutely beautiful, baby. Hindi mo na nga kailangang itanong iyan sa akin dahil ang lagi kong isasagot sa ‘yo ay oo. Lahat ng nandito sa bahay ay alam ‘yan, at siguradong kahit ang iba pang makakakita sa ‘yo ay sasabihin na maganda ka,” mahaba at sinserong sagot ko. Every time that we are together, I make sure that I would not forget boosting her confidence. I often remind her that she is beautiful and she is enough. Ayokong maramdaman na hindi siya kaaya-aya dahil lang sa sitwasyon niya ngayon sapagkat malay

