Pagkababa ko ng tasa ng kape ay tumalikod na ako sa gawi ni Sir Austine. Ayoko na kung saan pa umabot ang nararamdaman ako. I kind of felt sad when he didn’t even speak up as if he didn’t thank me last night… but yeah, I also often forget that he has the very right if he wants to talk to me or not, because I am just his employee. Nagtatrabaho at pinasasahod lang ako rito kaya wala akong karapatan na umasa. Gusto kong kastiguhin ang sarili na akala mo ay may karapatan ito para mag-inarte. Ang sarap lang pukpukin ng sarili kong ulo. Tsk. Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa, na para bang mahihiya kahit ang hangin na magparamdam dito sa loob ng kusina. Tahimik na binalikan ko ang ginagawa kanina. Muntik ko nang makalimutan na mayroong pa palang nakasalang na isa pa

