Mahigpit ang pagkakahawak ko sa tasa at sa platito na pinagpapatungan nito habang tinutungo ko ang kinaroroonan ni Sir Austine. Nakatalikod siya sa gawi ko kaya nagkaroon ako nang kalayaan na pagmasdan ang kaniyang likod. Just his mere back can make my heart pound so fast. While walking towards his direction, I reminded myself that I must be more careful with my actions from now on. Maaaring siya ang itinitibok ng aking puso at matagal ko nang inamin iyon sa aking sarili pero pumunta ako rito para magtrabaho. Sapat na sa akin ang makita siya araw-araw at palihim na ibigin sa malayo. Alam ko man na walang patutunguhan itong nararamdaman ko para sa kaniya pero hahayaan ko ang sarili ko na maramdaman ito habang nandito pa ako sa mundo nila. Pagbalik ko sa pinagmulan ko ay siguradong hi

