“How is Ate Lana related to you, Nanay Cedes?” “Naku, Chantal anak. Tagalog lamang at alam mo naman na hindi pa kaya makipagsabayan ni Nanay Cedes sa ‘yo.” Naglalakad ako pabalik sa kusina nang marinig ang dalawang pamilyar na boses na iyon. Pagdating ko sa bukana ay hindi muna ako pumasok at lumapit sa kanila. Nakaupo sa kaninang inuupuan ko si Nanay Cedes na mayroong ngiti sa mga labi habang si Chantal naman ay nakaharap sa kaniya. “Kaano-ano mo po si Ate Lana?” usisa ni Chantal pagkaraan. Napangiti ako sa itinawag niya sa akin ngunit mas napangiti ako dahil sa pag-adjust niya para kay Nanay Cedes. Kung minsan ay nakakalimot din ako kapag kausap siya at napapagamit ng ingles, kaya humihingi na lang agad ako ng paumanhin sa kaniya. “Hindi man galing s

