It was my first day. Malaki at maganda ang facilities ng University. Nilingon ko si Alec sa aking tabi. Hinatid niya pa ako sa lecture room ng una kong klase para sa araw na iyon. Nasa pinto na kami ng room. At may iilang magiging kaklase narin akong nakikita sa loob. "Thank you sa paghatid." saglit kong kinagat ang pang-ibabang labi at nginitian siya. He nodded. "I'll be just around. Enjoy your first day." Tumango ako at lalong ngumiti. Tinalikuran ko na siya para tuluyang makapasok sa silid. Naabutan ko pa ang paghuhuramentado ng ilang babaeng naroon. Muli kung nilingon si Alec sa may pinto. Sinenyasan ko siyang umalis na muna at nakapasok narin naman ako. Dahil baka mag-init lang ang ulo ko sa nakikitang malalagkit na tingin sa kanya ng mga babaeng ito. I found a vacant seat at n