Nakahiga ako sa isang sunlounger habang hinihintay ang reply ni Alec. Mataas ang sikat ng araw at kita ko sa likod ng suot na sunglasses ang mga turista din sa paligid. Sa 'di kalayuan naman ay naroon ang dagat. We went abroad for our short family vacation. Mom and Dad were inside the hotel at alam kong hindi ako nag-iisa rito because my father's most trusted guards are just around. Binabantayan ako. Kanina noong may isang foreigner na nagtangkang lumapit sa akin ay agad nilang hinarang. People saw what happened kaya siguro wala ng nangahas na lapitan ako. I don't know if it's a good thing or not. But I thought at least I'd be able to meet people and possibly make friends. I sighed. Tumunog ang phone ko kaya binaling ko nalang muli ang atensiyon dito. Alec: Are you enjoying? I immedi