Natapos ang aming klase nag aya si Carmen na dumaan kami sa ikatlong baryo, dahil isang sakay lang naman ito mula dito sa aming paaralan.
Pagkadating duon bumili siya ng damit' dito ako bilib sa pinsan ko nakakapag ipon para makabili ng mga gusto niya.
Ako kasi yung baon na binibigay ni Nanay ay tinatabi ko lang, kapag ilang araw walang huli si tatay binibigay ko kay Nanay para pandagdag sa puhunan sa pagtitinda niya,
"Gladys daanan natin si tita"
Pag aaya niya sa akin, dito lang din kasi nagtitinda si Nanay ng mga patuyong isda namin.
"Sige tara"
Nakangiti kong sagot sa kanya,
Nakita agad namin si Nanay na nakaupo sa kanyang maliit na banko habang nasa harapan niya ang mahabang tabla na ginawang mesa para mailatag ang mga patuyong isda,
"Nay"
Nakangiti kong bati sa kanya,
"Oh bakit nandito kayo?"
Nakangiti din niyang sagot' tumabi kami ni tessa sa kanya,
"May binili po kasi si tessa dito kaya dinaanan kana po namin"
Nakangiti kong sagot sa kanya' Napatingin ako sa mga paninda niya parang hindi gaanong nabawasan,
Samantalang pahapon na at malapit na siyang umuwe'
"Nay hintayin kana po namin sabay na po tayo umuwe"
Sabi ko ulit sa kanya,
"hindi ba kayo maiinip? konti pa lang ang benta ko e"
Sagot lang ni nanay sa akin,
"Hindi po' diba tessa?"
Sabay lingon ko sa katabi ko na si tessa na parang natulala na hindi ko maintindihan,
Sinundan ko ang tinitignan niya' nakita ko ang isang lalaki na nakatayo sa harapan nang paninda ni Nanay at nakatingin sa akin,
Kulay asul ang mata niya' matangkad maputi malaki ang katawan may makapal na kilay ay may pagka longhair ang brown na buhok na bumagay naman sa kanya,
Nakapantalon siya na medyo hapit sa kanya ay naka white t-shirts siya na naka tsinelas na itim.
Napatingin tuloy ako sa kuko niya, Ang linis ahh! bulong ko.
Napatingin ako kay Nanay na nagbebenta na dahil may lumapit na pala para bumili,
"Tessa bibili ata siya tanungin mo"
Bulong ko pa sa pinsan ko na tulala pa din. pero parang hindi ako narinig kaya kinurot ko na ito sa tagiliran niya.
"Araay!! ko naman gladys!!"
Pagalit niyang sabi sa akin.
"Sabi ko tanungin mo baka bibili siya"
Bulong ko ulit sa kanya. may mga lumapit na ulit na mga tao para bumili kay Nanay kaya tinulungan ko na siya.
"Bibili kaba?"
Narinig ko na tanong ni Carmen sa lalaking nananatiling nakatayo pa din sa harap namin.
"Binibini ako ba ay sadyang hindi mo nakikilala?"
Narinig ko na sagot nung lalaki,
Kaya napalingon ako kay tessa na sa akin naman nakatingin na nagtataka.
Kaya napatingin naman ako sa lalaking nasa harapan namin.
Nagulat ako dahil sa akin pa din siya nakatingin at malungkot ang mata niya.
Hindi pa din kami napapansin ni Nanay dahil hindi nabawasan ang tao na bumibile sa kanya.
"Tessa ano daw sabi niya?"
Bulong ko sa pinsan ko'
"Pinsan parang ikaw ang tinatanong niya e' at siya din yung lalaki na nasa puno kanina"
Sagot niya sa akin na nasa mukha din ang pagtataka.
Napalingon ulit ako sa lalaking nasa harapan namin.
"Kuya bibili ka po ba?"
Tanung ko na lang sa kanya'
"Ako'y nalulungkot dahil ako ay hindi batid ng iyong puso' pero kahit ganoon pa man Masaya ako dahil Ikaw ay aking nasilayan"
Nagkatinginan kami nang pinsan ko dahil sa sinasabi at ibang uri ng pagsasalita niya.
"Kuya ok ka lang po ba?"
Tanong ko ulit sa kanya' para naman siyang natauhan agad dahil nag iba na ang reaksyon nang kanyang mukha.
"Sorry may kinakabisado lang kasi ako' nadala lang yata ako"
Nakangiti na niyang sagot sa amin.
Narinig ko ang malalim na buntong hininga nang pinsan ko at simpleng pagtawa.
"Bibili ka po ba?"
Pagtatanong ko ulit sa kanya.
"Oo lahat yan bibilhin ko na"
Nakangiti niya ulit na sagot.
"Ha? Sigurado ka? bakit ititinda mo din?"
Tanung ko sa kanya' tinignan ko pa ang mga plastik ni Nanay kung marami pang laman dahil ibebenta ko talaga sa kanya lahat. Aba minsan lang yata ito' para naman maagang makauwe si Nanay.
Bulong ko sa isip ko.
Hindi ko narinig ang pagsagot niya dahil nakatingin ako sa dalawang plastick pa na may laman na isdang tuyo na hindi pa nabebenta.
"Nanay lagay na po ninyo dito iyan at bilangin na natin lahat dahil bibilhin na ni ..?
Napalingon ulit ako sa kanya dahil hindi ko nga pala alam ang pangalan niya' pero nakatingin pa din siya sa akin.
Nailang ako sa klase na uri nang tingin niya' kaya iniwas ko ang mata ko.
"Niya po nanay bibilhin na po niya lahat"
Sabi ko na lang kay nanay.
"Ha ganoon ba oh siya sige iho' babawasan na lang kita dahil marami ka naman kukunin"
Nakangiti sabi sa kanya ni Nanay.
"Hoy Carmen anong nginingiti mo diyan?!"
Mahinang bulong ko sa kanya' dahil napalingon ako sa kanya na nangingiti na napapatingin sa akin at sa lalaki na nasa harapan pa din namin.
"Wala pinsan hindi ko lang maisip kung may sayad ba talaga siya' kasi kung meron Sayang talaga"
Inawat ko ito sa sinabi niya dahil baka marinig kami nung lalaki na kausap na si Nanay dahil sa mga isda na bibilhin niya.
"Salamat iho' ha at makakauwe din ako nang maaga dahil sayo'"
Narinig ko na sabi ni Nanay.
"Pauwe na po ba kayo? Saan po ba kayo nakatira?"
Narinig ko pa na tanong ng lalaki.
"Sa unang baryo pa kami iho'"
.
"Ganoon po sabay na po kayo sa akin"
Narinig ko na pag aalok nito kay Nanay' pero agad akong sumagot
"Wag na po Nakakahiya naman po' Binili na nga po ninyo lahat nang tinda namin e"
Tumingin na naman sa akin ang asul na mata niya.
" kaligayahan ko na malaman kung saan ka naninirahan"
Hindi ko alam kung tama ang pagkakarinig ko sa sinabi niya dahil mahina lang niya itong binigkas.
"Ano sabi mo iho'?"
Tanong ni Nanay sa kanya.
"A e Sabi ko po duon din po sa baryo na iyon ang punta ko po"
Bigla niyang lingon kay Nanay. Parang hindi naman iyon ang sinabi niya, bulong ko na lang.
"Carmen may sayad nga yata talaga siya'"
Bulong ko sa pinsan ko na natatawa lang..