CHAPTER 36 Zahra's P. O. V Nandito kami ngayon sa isang charity, Lahat ng bata dito ay may sakit sa puso. More on 5 years old hanggang 10 years old ang narito. Sinabi rin na ang ibang mga bata ay wala nang magulang at ang iba naman ay inabandona. "Can you help me with this?" tanong sa akin ni Jehiel saka nilabas ang maliit na basket na punong-puno bulak. "Wow, ang yaman niyo sa bulak," sabi ko at kinuha ang basket. Natawa naman si Jehiel habang binubuhat ang box na puno ng alcohol. "Doctor thingy," sabi nito. Naglakad na kami papunta sa likod ng malaking building kung saan garden at play ground ng mga bata. Busy ang mga nurse sa at mga staff ng charity sa pag-aayos ng mga upuan at lamesa ng mga bata. "HELLO PO, DOKTOR!" masiglang bati ng mga bata kay Jehiel