CHAPTER 39 Jehiel's P. O. V Marami akong nakitang nag rarally sa labas ng mental hospital kung saan nagpapagamot si Zahra. Hindi ko sila masisi, nagulat ako ng sobra sa nalaman ko tungkol kay Zahra. "HALIMAW!" "DEATH FOR DEATH!" "DAPAT KANG MAMATAY!" "NATATAWAG MO PA ANG SARILI MONG TAO!?" Binilisan ko ang paglakad papasok ng Mental Hospital. "Mr. Jehiel Daet?" tawag sa akin ng Doctor. "Yes." "We need to talk to you," sabi nito. Naglakad siya kaya sumunod na lang ako, huminto kami sa office nila. Madaming nurse ang nakabuntot sa amin. "Zahra Adams, nagha-hallucinate siya, nakausap ko ang Psychiatrist niya noon, she didn't tell anything but the voices she hear. Well, We can't give her medication without knowing what's her illness. We checked her