Nangungunsumi akong naglalakad sa loob ng isang boutique dito sa mall kasama si Ivette. Hindi ko kasi alam kung ano ang regalo na ibibigay ko sa kapatid ko sa birthday niya. Sa Monday na iyon at Saturday na ngayon. Mabuti na lang at nag-aya sina Yosef na manood ng sine dahil ngayon 'yong showing no'ng movie na hinihintay nila. Maisasabay ko na din ang pagbili ng regalo ko kay Qino. At hindi ko talaga alam kung ano ang ibibigay ko sa kanya. Dati naman ay kahit anong maisipan kong ibigay sa kanya, nagiging satisfied ako. Never sumagi sa isip ko no'n kung magugustuhan niya o hindi. Pero bakit ngayon, napa-frustrate ako? Nakakainis! "Wala ka pa bang napili?" Naiinip na tanong ni Ivette mula sa likuran ko. Nakabusangot akong humarap sa kanya. "Wala pa, eh. Ano ba ang magandang ibigay?" Sab